Video: Nasa 1,000 Anti-APEC na raliyista hinarang sa Lawton
Matapos magtangkang mag-martsa patungong PICC, hinarang na ng mga pulis ang nasa isang libong raliyista sa bahagi ng Lawton sa Maynila.
Dahil sa dami ng mga nagsasagawa ng protesta, barado na ang kalsada patungo sa Quiapo galing ng Taft Avenue.
Ang mga raliyista ay binubuo ng mga miyembro ng People’s Forum on APEC.
Galing ng Espanya sa bahagi ng UST aang grupo at sa bahagi ng Mendiola at nagmartsa patungong Lawton.
Layon nilang makarating sa PICC, pero sa bahagi pa lamang ng Lawton hinarang na sila ng mga anti-riot police.
Nagdulot ng matinding traffic ang nasabing protesta sa mga sasakyan na patungo sa Quiapo galing ng Taft dahil binarahan ng mga militante at kanilang mga service na jeep ang kalsada.
Muli namang iginiit ni Philippine National Police (PNP) Director Ricardo Marquez na pinaiiral pa rin nila ang maximum tolerance sa mga rally na isinasagawa ngayong kasagsagan ng APEC summit.
Ayon kay Marquez, kahit marami ang nagprotesta sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng no permit no rally policy, ay wala pa naman silang inaaresto sa mga nagpoprotesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.