Gatchalian kay Andaya: Dagdag pang ebidensya kontra Diokno

By Jan Escosio January 08, 2019 - 03:26 PM

Malacañang photo

Hinahanapan pa ni Senator Win Gatchalian si House Majority Leader Rolando Andaya ng mga karagdagang ebidensiya sa mga alegasyon ng katiwalian laban kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ito ay dahil hindi kumbinsido si Gatchalian sa mga pagbubunyag ni Andaya at aniya dapat ang nambibintang ang maglabas ng matitibay na ebidensiya.

Ipagdiinan din ng senador na dapat maging malinaw kung ang mga inilabas ni Andaya ay mga ebidensiya o dahil sa politika.

Sinabi pa nito na alam niya ang integridad ni Diokno dahil tatlong pangulo ng bansa ang pinagsilbihan nito.

Inaakusahan ni Andaya si Diokno ng kuwestiyonableng pagdaragdag ng budget sa DPWH ng walang basehan at pagpabor sa mga balae nito na kasosyo sa isang construction company, na nakakuha ng bilyon-bilyong pisong kontrata sa gobyerno.

Sa kanyang panig ay sinabi ng kalihim na hindi na siya dadalo sa ipatatawag na imbestigasyon ng Kamara dahil sa ginawang pambabastos sa kanya sa nakarang question hour.

TAGS: 2019 budget, andaya, Congress, diokno, gatchlian, Pork scam, 2019 budget, andaya, Congress, diokno, gatchlian, Pork scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.