SC: Oral argument sa martial law extension itinakda sa January 22-23

Isasalang na ng Korte Suprema sa oral arguments ang ikatlong beses na pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao.

Sa pasya ng Supreme Court en banc, gagawin ang oral arguments sa January 22 at 23, 2019.

Nauna nang naghain ng petisyon ang Magnificent 7 ng Kamara laban sa one-year Martial Law extension sa Mindanao.

Matatandaan na inaprubahan ito sa joint session na ginawa ng Senado at Kamara noong December 2018, batay na rin sa rekumendasyon ng ehekutibo at ng AFP at PNP.

Ang batas militar sa Mindanao ay umiiral, mula nang pumutok ang giyera sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.

Natapos na ang bakbakan sa siyudad, subali’t pinalawig pa rin ang Martial Law na kinukwestyon naman ng iba’t ibang grupo.

Read more...