Isa sa mga suspek sa Cotabato City bombing sumuko na

By Isa Avendaño-Umali January 08, 2019 - 03:02 PM

PNP photo

Sumuko na sa mga otoridad ang isa sa mga suspek sa Cotabato City bombing.

Ayon kay Philippine National Police o PNP Soccsksargen Regional Director Chief Supt. Eliseo Rasco, ang suspek ay kinilalang si Salipudin Pasandalan.

Sinabi ni Rasco na kusang sumuko si Pasandalan matapos makita ang kanyang imahe na kuha mula sa CCTV footage sa mga balita sa telebisyon at inaakusahan siyang isa sa mga suspek sa pagpapasabog sa South Seas Mall sa Cotabato City noong December 31, 2018.

Ang pamilya umano ng suspek ang nag-udyok na ito’y sumuko na sa mga pulis.

Pero ayon kay Rasco, mariing itinanggi ni Pasandalan na sangkot siya sa pagsabog na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng mahigit tatlumpung indibidwal.

Nakakulong ngayon si Pasandalan sa Cotabato City Police Station.

Nauna dito ay inilabas ng PNP ang larawan ng dalawang kalalakihan na umano’y may kagagawan sa naganap na pagsabog noong bisperas ng bagong taon.

TAGS: Bombing, Cotabato City, PNP, Salipudin Pasandalan, South Seas Mall, Bombing, Cotabato City, PNP, Salipudin Pasandalan, South Seas Mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.