Dagdag na byahe sa Europe target ngayong taon ng PAL

By Den Macaranas January 08, 2019 - 02:54 PM SHARE(S):

Inanunsyo ng Philippine Airlines na pinag-aaralan na nila dagdag na mga flights patungo sa Europa bilang bahagi ng kanilang expansion program.

Sa isang press conference, sinabi ni PAL President at Chief Operationg Officer Jaime Bautista na posibleng matuloy ang nasabing expansion program ngayong taon.

Kabilang dito ang direct flight patungo sa Paris, Rome, Munich o kaya ay sa Frankfurt pero ito ay nasa drawing board pa lamang ayon sa PAL official.

Kasabay nito ay inihayag rin ng PAL na nagdagdag na sila ng 13 flights para sa darating na summer sa ilang paboritong destinasyon.

Kabilang dito ang mga byaheng patungo sa Nagoya at Osaka sa Japan, Kuala Lumpur, Bangkok at Taipei.

Kasama rin sa listahan ang Brisbane at Sydney sa Australia, Doha, San Francisco, Los Angeles, New York, Toronto at Doha.

Sinabi rin ni Bautista na sisimulan sa unang quarter ng 2019 ang bagong byahe ng PAL sa Hanoi sa Vietnam, Phnom Pehn sa Cambodia at New Delhi sa India.

TAGS: asian countries, BUsiness, europe, jaime bautista, philippine airlines, asian countries, BUsiness, europe, jaime bautista, philippine airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.