Crowd estimate sa Quirino Grandstand, umabot na sa halos 15,000

January 08, 2019 - 11:37 AM

INQUIRER Photo | Marianne Bermudez

Umabot na sa halos 15,000 ang bilang ng mga deboto na nasa Quirino Grandstand para sa “Pahalik”.

Madaling araw pa lamang mahaba na ang pila ng mga deboto, pero alas 11:00 ng umaga kanina, sinabi ng Manila Police District na 14,750 na ang crowd estimate sa Quirino Grandstand.

Dahil sa sobrang haba ng pila, tatlong ikot sa pila ang mga deboto bago makarating sa lugar kung saan naroroon ang Itim na Nazareno.

Sa kabila naman ng matinding sikat ng araw, hindi ito alintana ng mga deboto at matiyagang pumipila.

Mayroon ding espesyal na linya para sa mga nakatatanda at PWDs, pero sa dami ng deboto maging ito ay mahaba rin ang pila.

TAGS: Black Nazarene, pahalik, Radyo Inquirer, Black Nazarene, pahalik, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.