Imbestigasyon ng PACC alam ni Bello
Itinanggi ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na hindi siya naimpormahan na siya ay sumasailalim sa imbestigasyon ng komisyon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni PACC Chairman Dante Jimenez na alam ni Bello ang ginagawang imbestigasyon ng PACC.
Dati pa aniya ang isyu noong panahong nasangkot sa usapin ng korapsyon si dating Labor Undersecretary Dominador Say na nagresulta sa pagbibitiw nito sa pwesto.
Sinabi ni Jimenez na agad nilang inilapit kay Pangulong Duterte ang reklamong korapsyon laban kay Say kaya ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagsibak dito, pero inunahan na ito ng pagbibitiw ni Say.
Dagdag pa ni Jimenez, mas nauna pa nga si Bello na nagsalita sa media hinggil sa problema sa DOLE bago pa man lumabas ang isyung iniimbestigahan siya ng PACC.
Maliban sa command responsibility sa kinasangkutang usapin ni Say, sinabi ni Jimenez na kahina-hinala din ang ginawa ni Bello na ilipat sa kapangyarihan ng DOLE secretary ang Philipine Overseas Employment Administration (POEA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.