Naipamahaging fuel cards umabot na sa halos 72,000

By Jong Manlapaz January 08, 2019 - 10:30 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Umabot na sa 72,000 ang mga fuel card na naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga lehitimong franchise holder ng mga pampasaherong jeep.

Kaugnay nito ay muling nagpaalala ang LTFRB sa mga operator at tsuper na nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng fuel cards.

Kahapon araw ng Lunes, umabot na sa aabot na sa 71,876 na mga lehitimong franchise holder ang nabigyan na ng fuel cards.

Naglalaman ang card ng P5,000 na gagamitin para pang-karga ng krudo.

Para sa mga nasa ilalim ng Central Office at National Capital Region, ang pamimigay ay sa Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Quezon City mula 9: 00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Sa mga residente naman sa lalawigan, maaaring makipag-ugnayan sa LTFRB office na nakakasakop sa kanilang lugar.

TAGS: fuel cards, ltfrb, Radyo Inquirer, fuel cards, ltfrb, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.