Clearing operation isinagawa sa palibot ng Quiapo Church

By Ricky Brozas January 08, 2019 - 09:04 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Para maiwasan ang mga kalat na basura na maiiwan sa mga ruta ng Traslacion, nagkasa ang Manila Police District ng clearing operations sa paligid ng Quiapo Church.

Ayon kay Sta. Cruz Police Station Commander Cesar Domingo, simula alas-6:00 kaninang umaga ay sinuyod nila ang kahabaan ng Quiapo para paalisin ang mga vendor.

Partikular na tinumbok ng clearing operations ang mga kalye ng Palanca, Villalobos, Evangelista, Plaza Miranda at Quezon Boulevard.

Paliwanag nya, babalaan lang muna nila ang mga pasaway na vendor pero kung magmamatigas ang mga ito at haharang sa daanan ng Traslacion, para hindi makaabala ay huhuliin na nila ang mga ito.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Manila City administrator Erikson Alcovendaz sa mga vendor na huwag nang magtangkang pumuwesto pa sa mga ipinagbabawal na lugar simula January ngayong araw na ito at bukas, araw ng traslacion.

TAGS: Black Nazarene, Radyo Inquirer, Traslacion 2019, Black Nazarene, Radyo Inquirer, Traslacion 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.