Pagbaba ng hatol kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ipinagpaliban ng isang linggo

pembertonIpinagpaliban ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branc 74 ang pagbaba ng hatol kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa susunod na linggo.

Sa halip na sa araw ng Martes, November 24 ibaba ang hatol kay Pemberton, ay gagawin na ito ni Judge Roline Ginez-Jabalde sa December 1 ganap na ala 1:00 ng hapon.

Ang paglilipat ng petsa ng promulgation ay matapos hilingin ng kampo ni Pembertom sa korte na sa ibang petsa ito isagawa dahil sa conflict of schedule.

Nahaharap sa kasong murder ang sundalo kaugnay sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Buwan ng Setyembre ng tapusin ng korte ang pagdinig sa nasabing kaso matapos magharap ng mga testigo at ebidensya ang magkabilang kampo.

Si Laude ay natagpuang patay sa loob ng Cellzone Lodge sa Olongapo City noong Oktubre ng nakalipas na taon kung saan si Pemberton ang itinuturong pumatay.

Read more...