North Korean leader Kim Jong Un bibisita sa China
By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2019 - 08:52 AM
Patungo ng China si North Korean leader Kim Jong Un para sa isang state visit.
Kinumpirma ng Korean Central News Agency sa Pyongyang ang pag-alis ni Kim patungong China.
Ang state visit ay tatagal hanggang Jan. 10 base sa imbitasyon ni Chinese Pres. Xi Jinping.
Batay sa ulat, kasama ni Kim ang asawang si Ri So Ju at ang matataas na opisyal ng Pyongyang.
Unang inulat ng mga mamamahayag sa South Korea na magtutungo ng Beijing si Kim lulan ng special train para sa kaniyang ikaapat na pakikipagkita kay Xi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.