28 arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa Angeles City, Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2019 - 08:12 AM

Arestado ang 28 katao sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga na ikinasa ng mga otoridad sa Angeles City, Pampanga.

Ginawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Central Luzon ang pagsalakay sa isang drug den sa Barangay Balibago.

Naaresto doon ang 17 katao na nakuhanan ng mahigit 15 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga.

Samantala, sa Barangay Sto. Domingo naman, 11 katao ang nadakip sa isa ring buy-bust operation.

Ang mga suspek ay nakuhanan naman ng 26 na gramo ng shabu na ang street value ay P176,000.

Sinabi ni PDEA Region 3 spokesperson Glen Guillermo maituturing na high-impact operations ang kanilang isinagawa.

Magpapatuloy aniya ang mga operasyon sa rehiyon para maaresto ang mga itinuturing na high-value targets.

TAGS: Angeles City, buy bust, Pampanga, Angeles City, buy bust, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.