Catriona Gray inumpisahan na ang kabi-kabilang guestings sa Amerika

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2019 - 07:59 AM

Grab from Good Morning America

Nagsimula na ang guesting ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga morning show sa Amerika.

Ang unang guesting ni Catriona ay sa programang “Live with Kelly and Ryan”.

Ikinuwento ni Catriona na sa kaniyang pagdiriwang ng kaarawan noong Jan. 6 namasyal lang siya at nag-food trip.

Nag-guest din sa “Good Morning America” si Catriona.

Sa dalawang guestings, napag-usapan ang panaginip ng ina ni Catriona noong 13 anyos siya na siya ay nanalong Miss Universe suot ang pulang dress.

Maging ang pagsusulong ni Catriona ng kahalagahan ng edukasyon sa mga mahihirap na kabataan ay tinalakay din sa panayam.

Sa Good Morning America, nabanggit ni Catriona na sa panahon ng kaniyang pagiging Miss Universe pangarap niyang makasali sa isang benefit concert upang makatulong at maibahagi din ang kaniyang talento at pagmamahal sa musika.

Ngayong araw, Jan. 8 ang 2nd day ng media week para kay Catriona kung saan nakatakda siyang mag-guest sa Fox at sa Build Series ng ET.

TAGS: Catriona Gray, Good Morning America, Live with Kelly and Ryan, Miss Universe 2018, Catriona Gray, Good Morning America, Live with Kelly and Ryan, Miss Universe 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.