Oil tanker bumangga sa 22-wheeler truck sa QC, isa ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2019 - 07:34 AM

Inquirer file photo
Sugatan ang driver ng isang oil tanker matapos bumangga ang minamaneho nitong sasakyan sa isa pang 22-wheeler truck.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Sto. Domingo Avenue sa kanto ng Maria Clara Street sa Quezon City.

Ayon sa mga tauhan ng Quezon City traffic sector, bumangga muna ang oil tanker sa 22-wheeler truck bago bumangga sa isang poste ng kuryente.

May dalang gasolina ang tanker na dadalhin sana sa Marikina City.

Nayupi ang unahang bahagi ng tanker dahil sa lakas ng pagkakabangga habang agad namang nalapatan ng lunas ang nasugatang driver nito.

TAGS: accident, quezon city, accident, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.