Sa kabila ng import ban dahil sa African Swine Fever, 1 milyong kilo ng karne galing Belgium nakapasok sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2019 - 07:21 AM

Radyo Inquirer File Photo

Umabot sa mahigit 1 milyong kilo ng karneng baboy na galing Belgium ang nakapasok sa bansa sa kabila ng umiiral na import ban dahil ang Belgium ay apektado ng African Swine Fever.

Ayon sa agricultural group na Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, naganap ang pagpasok ng nasabing mga karne galing Belgium sa pagitan ng Oktubre at Nobyembre 2018.

Sinabi ni SINAG President Rosendo So, natuklasan nila ang pagpasok ng nasabing mga karne ng baboy base sa dokumentong nakuha nila mula sa Bureau of Customs (BOC).

September 17, 2018 nang ipagbawal ng Department of Agriculture ang importasyon ng karneng baboy mula sa Belgium dahil sa outbreak doon ng ASF.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala anng SINAG sa posibilidad na maapektuhan na rin ang bansa ng nasabing sakit.

Ayon naman sa DA, walang dapat na ikabahala dahil sumunod naman sa alituntunin ang mga nag-import ng nasabing mga karne.

Bagaman dumating kasi sa bansa ang mga karne galing Belgium sa kasagsagan ng pag-iral ng ban ay nakatay at naiproseso ang mga karne noon pang Aug, 25, 2018.

Sa kabuuan nasa 1.4 million na kilos na Belgian pork meat ang nakapasok sa bansa.

Maliban sa Belgium umiiral din ang import ban sa mga karneng baboy galing China, Latvia, Romania, Hungary, Russia, Poland, Ukraine, South Africa, Czeck Republic, Moldovia, Zambia at Bulgaria.

TAGS: African Swine Fever, Belgium, pork products, African Swine Fever, Belgium, pork products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.