Magkasintahan, arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang magkasintahan sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Kinilala ang naaresto na sina Alyas Rommel at Alyas Mianne na nakuhanan ng 85 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa P500,000 ang halaga.

Bagaman umano si Rommel, sinabi nitong binabayaran lang siya ng P500 sa tuwing magdedeliver ng ilegal na droga.

Ang kasintahan naman nito ay todo-tangging sangkot siya sa ilegal na gawain.

Nabatid na ilang ulit nang nakulong si Rommel dahil din sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Read more...