Dalawang sakay ng motorsiklo patay matapos mabangga ng bus sa Valenzuela

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2019 - 06:56 AM

Inquirer file photo

Patay ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo matapos silang mabangga ng pampasaherong bus sa MacArthur Highway sa Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Ayon kay PO2 Fridayrich Delas Nadas ng Valenzuela Police, dead on the spot ang hindi pa nakilalang driver ng motorsiklo habang sa ospital naman nasawi ang angkas nito.

Kwento ng taxi driver na si Harry Aling na siyang nakasaksi sa aksidente, nasa likod siya ng bus habang binabaybay ang MacArthur Highway.

Bigla na lang umanong kumaliwa ang bus kaya nabangga nito ang dumaraang motorsiklo.

Tumilapon pa aniya ng ilang metro ang dalawang biktima.

Hawak naman na ng mga otoridad ang driver ng bus na si Silverio Mejias na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

TAGS: accident, metro, Valenzuela City, accident, metro, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.