57 nahuli sa unang araw ng pagpapatupad ng mas mahal na multa sa illegal parking
Umabot sa 57 violators ang naisyuhan ng tiket sa unang araw ng pagpapatupad ng mas mahal na multa para sa ilegal na pagparada ng sasakyan.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa unang tatlong oras pa lamang ng pag-iral ng bagong multa sa illegal parking, 57 na agad ang natikitan.
Ang mga sasakyan ay naktiang ilegal na nakaparada sa F. B. Harrison Street, Taft Avenue, Gil Puyat Avenue, Quirino Highway, T.M. Kalaw Street at sa Baclaran.
Ang mga may-ari ng sasakyan na ilegal na nakaparada pero may driver sa loob ay pinagbabayad na ng P1,000 mula sa dating P200.
P2,000 naman ang multa kung unattended o walang driver ang nakaparadang sasakyan at P1,000 para sa obstruction.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.