Libu-libong deboto nakapila na sa Quirino Grandstand para sa ‘Pahalik’

AP File Photo
Libo-libong nang mga deboto ng Itim na Nazareno ang nakapila sa Quirino Grandstand para sa ‘Pahalik’.

Marami sa kanila sa grandstand na nagpalipas ng gabi.

Madaling araw pa lamang, umabot na sa bahagi ng Roxas Boulevard ang pila ng mga deboto.

Sa pagtaya ng Manila Police District, kaninang alas 5:30 ng umaga ay nasa 7,000 na ang bilang ng mga nakapilang deboto.

Naglagay naman ng mga metal at plastic barriers sa Quirino Grandstand para maging maayos ang daloy ng pila.

Read more...