Malamig na temperatura mararanasan sa Luzon at Visayas – PAGASA
May kalamigan na ang temperatura sa Luzon at Visayas dahil epekto ng amihan.
Kahapon ayon sa PAGASA, 21 degrees Celsius ang minimum na temperatura na naitala sa PAGASA Science Garden sa Quezon City alas 6:20 ng umaga.
Habang umabot lang sa 30.3 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura ala 1:50 ng hapon.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, generally fair weather ang iira sa buong Luzon at Visayas at makararanas lamang ng pulo-pulong pag-ulan lalo na ang mga lalawigang nasa silangang bahagi.
Magiging maganda rin ang panahon sa Mindanao maliban na lamang sa isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Ayon sa PAGASA sa susunod na tatlong araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa loob ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.