PNP at AFP: Walang kumpiramadong banta sa pista ng Itim na Nazareno

By Rod Lagusad January 08, 2019 - 03:38 AM

Inquirer file photo

Kinumpirma ng mga otoridad na walang kumpirmadong banta sa idadaos na na pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar, ay wala pa silang nakukumpirmang anumang banta sa traslacion.

Aniya ang mga balitang kumakalat ay walang basehan at hindi pa nabeberipika.

Ayon naman kay Armed Forces Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, ay magbibigay suporta ang Joint Task Force-National Capital Region sa PNP sa pagbibigay seguridad sa traslacion

Aabot sa 7,200 na mga tauhan ang ide-deploy ng NCRPO habang nasa 2,000 na mga sundalo naman ang ipapakalat para sa seguridad ng taunang traslacion.

Una nang sinuspinde ng PNP ang permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) sa Maynila sa kasagsagan ng traslacuin mula alas otso ng umaga ng January 8 hanggang alas otso ng umaga ng January 10.

Excerpt:

TAGS: AFP, Itim na Nazareno, manila, PNP, Traslacion, AFP, Itim na Nazareno, manila, PNP, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.