Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat nang maipasa ang budget sa lalong madaling panahon para hindi madelay ang paglabas ng pondo.
Ito ay para hindi maapektuhan ang salary hike ng mga pulis, sundalo, guro at mga civilian employees.
Panawagan ng palasyo na isantabi na ang mga ‘partisan considerations’ para hindi mabalang ang mga infrastructure at social services ng pamahalaan.
Noong Hulyo pa ng nakaraang taon ng maipasa ng Duterte Administration ang panukalang budget sa Kongreso.
Matatandaang hindi naipasa noong nakaraang taon ang 2019 national budget dahil sa debate kauganay ng mga alegasyon ng budget insertions at iba pang mga iregularidad.
Kabilang dito ang akusasyon kay Budget Secretary Benjamin Diokno na pag-insert umano ng nasa P75 billion sa 2019 budget ng hindi aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit kanya naman itinanggi ang mga ito.