Ilang deboto ng Itim na Nazareno, magdamagan na sa Quirino Grandstand para sa Pahalik

By Rod Lagusad January 08, 2019 - 02:35 AM

Photo by: Nino Jesus Orbeta of Philippine Daily Inquirer

Magdamagan na ang ilang mga deboto ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand para sa taunang Pahalik.

Nakahanda na ang mga barrier sa lugar para mapanatil ang maayos na pila ng mga debotong makikiisa sa Pahalik.

Kapansin-pansin na rin ang paghaba ng pila ng mga deboto na handang masakripisyo sa maagang pagpila.

Samantala, may inihanda namang ang MMDA na mobile clinic para sa mga makikilahok.

Bukod dito ay may inilagay din na first aid station sa lugar.

TAGS: Black Nazarene, Itim na Nazareno, pahalik, Quirino Grandstand, Black Nazarene, Itim na Nazareno, pahalik, Quirino Grandstand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.