Estudyante na tumatakbo palayo sa isang aso, patay matapos mabangga ng isang kotse

By Rod Lagusad January 08, 2019 - 02:13 AM

From the video posted in Chrisha Lingad Facebook account

Patay ang isang college student matapos siyang mabangga ng isang kotse Barangay Holy Spirit sa Quezon City bandang 1:57 am noong Biyernes January 4.

Ang biktima kasama ang tatlo pang mga kaibigan ay tumatakbo palayo sa isang aso nang ito ay mabundol ng kotse na mabilis ang takbo at hindi man lang huminto matapos ang insidente.

Nakilala ang biktima na si Joshua Cabag na magtatapos sana sa darating na Hunyo sa kursong Secondary Education ay lumabas lang kasama ang mga kaibigan para bumili ng makakain para ipagdiwang ang kaarawan nito.

Sa CCTV footage na ipinost ng kabigan ni Cabag na si Chrisha Lingad sa Facebook ay makikita ang biktima at tatlo nitong kaibigan na hinabol ng aso.

Ayon kay Lingad, ay na isigod pa sa Quezon City General Hospital pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

TAGS: accident, quezon city, accident, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.