Konsehal sa South Cotabato, patay matapos barilin
By Rod Lagusad January 08, 2019 - 02:07 AM
Patay sang isang konsehal sa Purok Maguindanao, Barangay Lumakil sa South Cotabato matapos barilin ng motorcycle-riding tandem.
Kinilala ang biktima na si Dima Macaludos na sakay ng kanyang motorsiklo kasama ang asawa ng ito ay pagbabarilin.
Ayon kay Polomolok Police Chief Supt. Samuel Cadungon, ay napatay ang biktima gamit ang kalibre .45.
Habang sugatan naman ang asawa nito na tinamaan sa kanyang binti.
Kaugnay nito, isa ang anggulong pulitika na tinitingnan na motibo sa pagpatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.