Mababang singil ng kuryente, nakikita ng Meralco ngayong Enero

Nakikita ng Meralco na magkakaroon ng pagbaba sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero.

Ayon sa tagapagasalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, makakaasa ang mga customer ng Meralco na may pagbaba
dahil sa mababang generation charges.

Aniya kadalasan na bumababa ang singil sa kuryente tuwing Enero matapos maayos ng mga power generators ang
kanilang outage allowance noong nakaraang taon.

Dagdag pa nito, ang nasabing pagbaba sa singil ay mararamdam ng mga customer.

Inaasahan na iaanunsiyo ngayong araw ng Meralco ang halaga ng magiging singil nito.

Read more...