Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang kwenta ang ugnayan ng sinumang miyembro ng gabinete kay Pangulong Rodrigo Duterte kung may ebidensya na magpapatunay na sangkot sa kurapsyon ang opisyal ng gobyerno.
Pahayag ito ni Panelo kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ang 3 kalihim.
Paliwanag ni Panelo, kung lumabag sa batas, kalaban o kaalyado man sa pulitika, kamag-anak o kaibigan ay dapat managot.
Pero sinabi nito na mananatili muna sa pwesto ang iniimbestigahang miyembro ng gabinete.
Sa pagkakaalam ni Panelo ay alam na ng Pangulo ang imbestigasyon ng PACC kasunod ng anunsyo ng ahensya.