Malakanyang, tiniyak na walang sasantuhin sa imbestigasyon sa ilang miyembro ng gabinete

By Len Montaño January 08, 2019 - 12:00 AM

Tiniyak ng Malakanyang na walang sacred cows o walang sasantuhin ang administrasyong Duterte sa gitna ng imbestigasyon sa 3 gabinete.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang kwenta ang ugnayan ng sinumang miyembro ng gabinete kay Pangulong Rodrigo Duterte kung may ebidensya na magpapatunay na sangkot sa kurapsyon ang opisyal ng gobyerno.

Pahayag ito ni Panelo kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ang 3 kalihim.

Paliwanag ni Panelo, kung lumabag sa batas, kalaban o kaalyado man sa pulitika, kamag-anak o kaibigan ay dapat managot.

Pero sinabi nito na mananatili muna sa pwesto ang iniimbestigahang miyembro ng gabinete.

Sa pagkakaalam ni Panelo ay alam na ng Pangulo ang imbestigasyon ng PACC kasunod ng anunsyo ng ahensya.

TAGS: pacc, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, pacc, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.