Gun ban ipatutupad sa Manila simula bukas kaugnay sa traslacion
Kanselado ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) sa kabuuan ng lungsod ng Maynila kaugnay sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Miyerkules.
Sinabi ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na epektibo ang gun ban at kanselasyon ng PCTFOR sa Maynila simula alas-otso ng umaga bukas, araw ng Martes hanggang sa alas-otso ng umaga sa araw ng Huwebes.
Sa nasabing panahon at tanging mga tauhan lamang ng Philippine National Police, militar at iba pang tauhan ng ilang law enforcement agency na unipormado at nasa misyon ang papayagang magdala ng armas.
Gusto ng PNP na tiyakin na magiging ligtas sa publiko ang nasabing traslacion na inaasahang dadaluhan ng milyun-milyong mga deboto.
Kaninang umaga ay nagsimula na rin ang pagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa buong Maynila na tatagal hanggang sa araw ng Huwebes.
Aabot sa 7,000 mga tuhan ng PNP ang ipakakalat sa mga rutang dadaanan ng traslacion sa Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.