CIDG: Dating alkalde ng Daraga, Albay pinag-planuhan ring patayin

By Den Macaranas January 07, 2019 - 06:47 PM

FB photo

Pinag-planuhan rin ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na ipapatay ang dating alkalde sa nasabing bayan.

Ito ang lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinabi ni PNP-CIDG Director Amado Corpuz na inamin ng hawak nilang saksi na si Emmanuel Jaduvar na naglaan si Baldo ng P350,000 para ipalikida si dating Mayor Gerry Jaucian.

Pero hindi na natuloy ang nasabing balak dahil ilang buwan lamang makalipas ang 2016 elections ay namatay si Jaucian dahil sa kanyang karamdaman.

Makaraang mamatay si Jaucian ay kaagad na naging alkalde ng Daraga si Baldo na siyang nanalong vice mayor noong 2016.

Magugunitang si Jaduvar rin ang naging daan para mabuo ang imbestigasyon ng PNP na nagtuturo kay Baldo na siyang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Sa kanyang naunang testimonya, sinabi ng nasabing saksi na pinag-planuhan ang pagpatay kay Batocabe noong buwan ng Agosto nang magdeklara ito na tatakbo siya bilang alkalde sa nasabing bayan.

Umaabot sa P6 Million ang sinasabing ipinangakong kabayaran para sa pagpatay kay Batocabe pero nagkaroon ng aberya at hindi naibigay ang nasabing halaga sa anim na suspek na ngayon ay nasa custody na rin ng PNP.

TAGS: baldo, batocabe, CIDG, corpuz, Daraga, jaucian, baldo, batocabe, CIDG, corpuz, Daraga, jaucian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.