Presidente ng Peru at Russian Prime Minister dumating na sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2015 - 08:42 AM

NOV 18 arrivalsMagkasunod na dumating sa bansa si Peru President Ollanta Humala at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.

Miyerkules ng umaga nang dumating si Humala para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting na ang mga aktibidad ay pormal na magsisimula ngayong araw, November 18 at tatagal hanggang bukas, November 19.

Sa bansang Peru gagawin ang APEC Economic Leader’s Meeting sa susunod na taon.

Ngayong tanghali, personal na iimbitahan ni Humala sa isang noontime reception sa Makati, ang mga world leaders at delegates na dumalo sa APEC CEO Summit 2016.

Si Humala ay naging presidente ng Peru noong 2011. Bago pumasok sa pulitika ay nagsilbi muna bilang army officer si Humala.

Samantala, si Russian Prime Minister Medvedev naman ay dumating sa NAIA terminal 1 alas 8:00 ng umaga.

Si Medvedev ang kakatawan kay President Vladimir Putin sa APEC summit.

Si Medvedev din ang dadalo sa East Asia summit sa Malaysia sa Nov. 21 hanggang 22.

TAGS: Peru President Ollanta Humala ang Russian Prime Minister Dmitry Medvedev arrives PH, Peru President Ollanta Humala ang Russian Prime Minister Dmitry Medvedev arrives PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.