Posible pa umanong maiba ang nasabing bilang dahil ang ilan dito ay naka-apela pa ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez.
Karamihan sa mga diskwalipikado ay iyung mga nuisance o panggulong kandidato lamang ayon pa sa opisyal.
Pangunahin nilang tinitingnan sa kanilang ginawang evaluation ay kung may kakayahan ba na magsagawa ng isang nationwide campaign ang isang tumatakakbo sa isang national position tulad ng pagka-senador.
Gayunman ay tumanggi si Jimenez na isapubliko ang pangalan ng mga nadiskwalipika sa senatorial listing.
Sa ikatlong linggo ng Enero ilalabas ng Comelec ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagka-senador na susundan naman ng pag-imprenta sa mga balota.
Sa Kabuuan ay umabot sa 152 individuals ang nagsumite ng kanilang certificate of candiday na maglalaban-laban sa 12 senate seats.
Kabilang sa nasabing bilang ang 14 na mga kasalukuyan at mga dating senador.