Napoles nailipat na ng kulungan sa Correctional Institute for Women

By Den Macaranas January 07, 2019 - 04:22 PM

Inquirer file photo

Nailipat na sa Correctional Institution for Women (CIW) ang convicted plunderer na si Janet Lim Napoles na sinasabing utak ng pork barrel scam.

Si Napoles ay dating nakakulong sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Kanina ay natanggap na ng Sandiganbayan ang nasabing impormasyon kung saan ay sinabi ni Taguig City Jail Warden Chief Inspector Editha Roallo Balansay na nailipat na ng kulungan si Napoles noong pang January 4.

Bago ang kanyang transfer ay isinalang muna sa medical examination ang nasabing bilanggo.

Nauna dito ay sinubukan pang harangin ng kampo ni Napoles ang paglilipat sa kanya ng kulungan dahil sa isyu ng seguridad.

Magugunitang si Napoles at na-convict sa kasong plunder kaugnay sa maling paggamit sa Priority Development Assistance Fund pork barrel ng ilang mambabatas mula noong 2006 hanggang 2010.

Kasalukuyang naka-apela sa mataas na hukuman ang nasabing hatol sa kanya ng Sandiganbayan.

TAGS: BJMP, ciw, napoles, PDAF, Pork scam, BJMP, ciw, napoles, PDAF, Pork scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.