Diokno hindi na dadalo sa mga pagdinig ng Kamara sa 2019 budget

By Den Macaranas January 07, 2019 - 03:29 PM

Inquirer file photo

Kinumpirma ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi na niya sisiputin ang alinmang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa ilang iregularidad sa 2019 proposed nationam budget.

Sinabi ng opisyal na ito rin ang naging payo sa kanya ng Malacañang hingil sa nasabing isyu.

Aminado si Diokno na nabaston siya sa ginawang question hour ng ilang mga kongresista kung saan ay pilit na idinidikit sa kanyang pangalan ang ilang proyekto na nabigyan ng malaking pondo ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na nakuha ng ilang mga kontratista na malapit kay Diokno ang ilang hard projects ng pamahalaan na pinaglaanan ng malaking budget ng gobyerno.

Kinabibilangan ito ng Aremar Construction Corp. at CT Leoncio Construction na umano’y pag-aari ng in-laws ng kalihim.

Ikinatwiran ni Diokno na mismong ang mga kongresista ang naglaan ng pondo sa nasabing mga proyekto.

Above-board rin umano ang nasabing mga infrastructure project na ginawa sa ilalim ng direktang superbisyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nag-ugat ang pagkalkal sa sinasabing insertion sa 2019 proposed budget makaraang sabihin ni Sen. Ping Lacson na may mga isiningit dito na “pork” na nakalaan para sa mga kongreista.

TAGS: andaya, DBM, diokno, DPWH, insertions, Kamara, pork, andaya, DBM, diokno, DPWH, insertions, Kamara, pork

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.