Signal shutdown ipatutupad sa ilang bahagi ng Cebu sa kasagsagan ng Sinulog

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 01:03 PM SHARE(S):
CDN FILE POTO / CHRISTIAN MANINGO

Magpapatupad ng signal shutdown sa Cebui City, Lapu-Lapu City, Mandaue City at maging sa lalawigan ng Bohol sa kasagsagan ng Sinulog.

Ayon kay Sr. Supt. Royina Garma, direktor ng Cebu City Police Office, ito ang napagkasunduan matapos and dayalogo nila sa National Telecommunications Commission-Central Visayas.

Ang shutdown ay ipatutupad sa limitadong oras sa January 19 at 20.

Sinabi ni Garma na tiniyak ni NTC-7 regional director Engr. Jesus Laureno na aaprubahan ng NTC ang hirit ng Cebu City police para sa signal shutdown.

TAGS: Cebu City, Lapu-Lapu City, Sinulog, Cebu City, Lapu-Lapu City, Sinulog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.