Presyo ng manok sa mga palengke dapat nasa P100 hanggang P110 per kilo na lang – DTI

Dapat ay nasa pagitan na lang ng P100 hanggang P110 ang halaga ng kada kilo manok sa mga palengke.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na bumaba ng P45 hanggang P55 na lang ang presyo ng manok sa farmgate.

Mismong ang poultry raters anila ang nagsabi na bagsak na ang mga presyo ng live pultry products kaya dapat ay mag-reflect na ito sa mga palengke.

Sinabi ni Lopez na hindi na dapat aabot ng P120 to P140 ang presyo ng manok.

Makikipag-ugnayan naman ang DTI sa mga lokal na pamahalaan para paigtingin ang monitoring sa mga palengkeng kanilang nasasakupan.

Read more...