LOOK: Grupong Kadamay nagsagawa ng protesta sa NHA

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 12:34 PM SHARE(S):
INQUIRER.net Photo | GABRIEL PABICO LALU

Nagsagawa ng kilos protesta ang tinatayang nasa 200 miyembro ng grupong Kadamay sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa elliptical road sa Quezon City.

Ang grupo ay pinangunahan ng kanilang national chairperson na si Gloria Arellano.

Nanawagan ang grupo na bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kabiguan umano na maipatupad ang mga housing project ng gobyerno.

Gamit ang bato, literal na kinatok ng grupong Kadamay ang gate ng NHA.

Anila dapat ipamahagi na sa mga mahihirap na walang bahay ang mga nakatengga lamang na housing units na bahagi ng pabahay ng gobyerno.

TAGS: Kadamay, NHA, Rally, Kadamay, NHA, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.