Civil Engineering student arestado sa isang condominium sa Mandaluyong dahil sa pagtutulak ng shabu

By Jong Manlapaz January 07, 2019 - 11:52 AM

Isang 20-anyos na civil engineer student ang nasakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang condominium sa Mandaluyong City sa ikinasang buy-bust operation.

Kinilala ni PDEA Special Enforcement Service Director 3 Levi Ortiz, ang suspek na si Andro Santos, 20-anyos, na kuhanan ng 45 gramo ng hinhinalang shabu na aabot sa halagang mahigit P300,000.

Unang nagpositibo ang ginawang buy-bust operation makaraang magawa munang makabili ng P3,000 halaga ng hinihinalang shabu ng isa sa mga umaktong buyer kay Santos.

Bukod kay Santos, nahuli din ang mga suspek na sina Evelyn Santos, tiyahin ng suspek na nagsisilbing courier, Herminigilda Delos Reyes, Redish Espiritu, at Denis Klitonjua.

Dinala na sa PDEA headquarters ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

TAGS: buy bust operation, Mandaluyong City, PDEA, Radyo Inquirer, buy bust operation, Mandaluyong City, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.