Justice Noel Tijam dinaluhan ang huling flag-raising ceremony niya sa SC bilang mahistrado

By Ricky Brozas January 07, 2019 - 11:32 AM SHARE(S):
SC photo

Matapos magretiro noong Sabado kasabay ng kanyang ika-70 kaarawan, dumalo sa kanyang huling flag-raising ceremony sa Korte Suprema si Associate Justice Noel Tijam, Lunes (Jan. 7) ng umaga.

Kasama ni Tijam na dumalo sa flag ceremony ang siyam na iba pang mga mahistrado.

Hindi naman nakadalo sina Chief Justice Lucas Bersamin, Associate Justices Marvic Leonen, Alfredo Benjamin Caguioa at Andres Reyes, Jr.

Noong Biyernes, nagdaos ng special en banc session ang Korte Suprema para sa retirement ceremony kay Justice Tijam.

TAGS: noel tijam, Radyo Inquirer, Supreme Court, noel tijam, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.