Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng halaga ng ipatutupad na dagdag-presyo bukas

Nag-anunsyo na ng oil price hike ang ilang mga kumpanya ng langis,

Ayon sa kumpanyang Shell, magpapatupad ito ng dagdag na 80 centavos sa kada litro ng gasolina, 70 centavos sa kada litro ng diesel at 40 centavos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang dagdag-presyo, bukas, Jan. 7 alas 6:00 ng umaga.

May pareho ding dagdag sa presyo ng gasolina at diesel ang kumpanyang Petro Gazz sa parehong oras.

Ayon sa mga kumpanya, ang dagdag na presyo ay hindi pa epekto ng TRAIN Law kundi dahil sa paggalaw ng preso sa the world market.

Read more...