Sundalo patay, barangay kapitan at tanod sugatan sa pamamaril sa Camarines Sur

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 11:12 AM

Patay ang isang sundalo habang sugatan ang isang kapitan ng barangay at isang tanod makaraang pagbabarilin silang ng mga hindi nakilalang sa Camarines Sur.

Ayon kay Chief Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, kinilala ang nasawi na si Sgt. Benito Ronquillo Bien, 45 anyos ng Philippine Army at nakadestino sa Brgy. Bicalen sa bayan ng Presentacion.

Habang sugatan naman si Tonyben Tabalde, kapitan ng barangay sa Brgy. Sagrada sa bayan ng Buhi at ang tanod na si Mario Ibanita.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente habang nag-iinuman sa isang lamay ang tatlo sa Sitio Rakitan, Barangay Dela Fe.

Bigla na lamang umanong dumating ang mga suspek at saka pinagbabaril si Bien ng maraming beses sa ulo.

Tinamaan din ng bala ng baril ang kapitan ng barangay at ang tanod na kapwa dinala sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush, buhi camarines sur, Radyo Inquirer, soldier, ambush, buhi camarines sur, Radyo Inquirer, soldier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.