Official list ng mga kandidato sa 2019 elections ilalabas bago mag Jan. 23

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 10:50 AM

Bago mag January 23 ilalabas na ng Comission on Elections (Comelec) ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa May 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa ikatlong linggo ng Enero kasi ang target ng Comelec na maumpisahan ang pag-imprenta ng mga balota.

Kailangan aniyang may pinal na listahan na ng mga kandidato bago masimulan ang printing.

Magugunitang Dec. 15 ang unang target na petsa ng Comelec para mailabas ang listahan ng mga kandidato.

Gayunman, hindi ito nasunod dahil may mga kailangan pang resolbahin na disqualification cases.

TAGS: 2019 midterm elections, comelec, list of candidates, Radyo Inquirer, 2019 midterm elections, comelec, list of candidates, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.