3 miyembro ng gabinete iniimbestigahan ng PACC

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 10:07 AM

Tatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez, subject ng kanilang fact-finding inquiry ang tatlong hindi pinangalanang cabinet members.

Matapos ang imbestigasyon, sinabi ni Jimenez na agad nilang ibibigay kay Pangulong Duterte ang kanilang rekomendasyon.

Tumanggi si Jimenez na tukuyin ang tatlong gabinete maging kung saang ahensya sila nabibilang.

Magugunitang ilang miyembro na ng gabinete ang sinibak sa pwesto ng pangulo dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.

 

TAGS: pacc, Radyo Inquirer, three cabinet members, pacc, Radyo Inquirer, three cabinet members

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.