Coast Guard nilinaw na wala pang schedule ang pagsusulit para sa mga nais maging miyembro PCG

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 09:36 AM SHARE(S):
Philippine Coast Guard

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala pa silang itinatakdang petsa para sa PCG Battery Exam ngayong taong 2019.

Ang naturang pagsusulit ay para sa mga aplikante at nais maging miyembro ng PCG.

Sinabi ng Coast Guard na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita sa online may itinakda nang petsa para sa exams.

Ayon sa Coast Guard sa sandaling magkaroon na ng opisyal na schedule para sa PCG Battery Exam agad nila itong ibabahagi sa kanilang official website at social media accounts.

TAGS: Battery Exams, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Battery Exams, philippine coast guard, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.