Seguridad sa Manila Bay at Pasig River, tiniyak ng Coast Guard

By Ricky Brozas January 07, 2019 - 09:16 AM SHARE(S):
PCG File Photo

Handa na ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) – National Capital Region (NCR) para sa security measures na paiiralin sa likod ng Quirino Grandstand at Pasig River.

Ayon kay Capt. Rolando Punzalan, Distict Commander ng PCG-NCR, 31 ang floating assets ang ide-deploy nang pinagsanib na puwersa ng PCG, PNP Maritime Group , Red Cross, MMDA at Philippine Coast Guard Auxiliary.

Kasama na rito ang BRP Boracay at BRP Panglao na nakapuwesto sa Manila Baywalk at magsisilbing Command Post at medical evacuation post sakaling magkaroon ng emergency at hindi madaanan ang mga kalsada.

Ang mga rubber boat at small crafts naman ng PCG, Red Cross at ng MMDA na may sakay na mga medical personnel ang maaaring umayuda sakaling may malaglag sa Jones Bridge.

Kahapon, nagsagawa na rin ng inspeksyon ang PCG sa likod ng Quirino Grandstand at sa Pasig River kasama na ang ilalim ng Jones bridge.

Kasama sa inspeksyon ang panelling ng mga k9 units ng PCG.

Magsasagawa din ng random inspection sa mga barko sa Pasig river at sa mga bankang dumadaan dito.

Nakaantabay na sa PCG Headquarters ang mga dagdag na pwersa ng PCG, mga K9 units, rescue and quick reaction team.

Makikipag-ugnayan ang PCG sa Manila Police Distict para bantayan ang Jones bridge sa mga batang nagtatalunan habang dumadaan ng Poong Nazareno.

TAGS: Feast of Black Nazarene, Quiapo Church, Feast of Black Nazarene, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.