Umano’y profiling sa mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers, legal ayon sa NCRPO

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 08:51 AM

Photo from ACT

Walang ilegal sa paglista ng Philippine National Police (PNP) sa mga guro na maaring miyembro ng mga progresibong grupo at militanteng grupo.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar matapos kumalat sa social media ang memorandum kung saan hinihingi ng PNP ang sa mga paaralan ang listahan ng mga guro nilang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Paliwanag ni Eleazar ang PNP ay repository ng mga impormasyon na maaring magamit bilang future reference.

Mananatili naman aniyang internal anumang mga impormasyon na hawak ng PNP.

Ani Eleazar, walang harassment sa naturang kautusan. Wala din aniyang dapat na ikatakot ang mga guro kung wala naman silang problema o kinasasnagkutang ilegal.

Nilinaw naman ni Eleazar na hindi sa NCRPO galing ang kautusan para sa listahan ng mga gurong miyembro ng ACT.

Maari aniyang ang utos a y mula sa Directorate for Intelligence sa Camp Crame.

TAGS: ACT, deped, NCRPO, PNP, Radyo Inquirer, ACT, deped, NCRPO, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.