Umakyat na 40 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong minahan ng ginto sa Afghanistan.
Maliban sa mga nasawi, 10 iba pang minero ang nasugatan sa insidente.
Nangyari ang pagguho habang naghahanap ng ginto ang mga minero sa Kohestan district ng Badakhshan province.
Tinatayang nasa 60 metro o 220 talampakan na ang nahukay ng mga ito nang gumuho ang minahan.
Karaniwan nang gawain ng mga lokal ang pagminina dahil ito lamang ang kanilang ikinabubuhay at walang kontrol ang gobyerno rito.
Bago pa man magpadala ng rescue team sa lugar ay nag-umpisa na ang mga minero na sagipin ang kanilang mga kasamahan.
Ayon kay Badakhshan Police Spokersperson Sanaullah Rohani, landslide ang dahilan ng trahedya.
Noong 2014, nasa 2,500 ang nasawi sa mudslides na naganap din sa badakhshan.