Vendor sa Quiapo, arestado sa pagdadala ng baril

By Ricky Brozas January 07, 2019 - 07:52 AM

Sa kabila ng umiiral na gun ban dahil sa Traslacion 2019, naging pasaway ang isang vendor sa Quiapo, Maynila na inaresto ng Manila Police matapos na mahulihan ng armas sa Quezon Boulevard tabi ng Quiapo Church.

Ang 42-anyos na suspek na si Peter Coderias ay isasalang sa inquest proceeding sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal possession of firearm and ammunition.

Nahuli sa suspek ang isang kulay itim na may lamang isang improvised gun o sumpak at bala.

Nagsasagawa ng clearing operation ang pulisya nang mapansin ang bag na dala ng suspek at nang ipaamoy K9 dog ay nagpositibo sa baril.

TAGS: Quiapo Church, Radyo Inquirer, vendor arrested in Quiapo, Quiapo Church, Radyo Inquirer, vendor arrested in Quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.