Retiradong pulis patay sa pamamaril sa Marikina City

By Jong Manlapaz January 07, 2019 - 07:47 AM SHARE(S):

Patay ang isang retiradong pulis matapos itong pagbabarilin sa Marikina City.

Nagtamo ng tama bala sa ulo at katawan ang biktima na nakilalang si Ret. P/Insp. Elmer Corbe makaraang pagbabarilin ng ‘riding-in-tandem’ sa Cadena De Amor Street, kanto ng Olandes, Barangay Industrial Valley Complex.

Ayon kay P/Sr. Supt. Roger Quesada, hepe ng Marikina City police, nagsisilbing ‘referree’ sa isang basketball game si Corbe nang dumating ang dalawang armadong lalaking sakay ng motorsiklo, kapwa bumaba at walang habas na paulanan ng bala ang biktima.

Naisugod pa sa Marikina Doctors’ Hospital ang retiradong pulis pero idineklarang ‘dead on arrival’.

Batay sa rekord ng Marikina police, si Corbe ay dating nakatalaga sa Quezon City Police District at Marikina PNP.

TAGS: ambush, Marikina, retired police, ambush, Marikina, retired police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.