Luzon at Visayas apektado pa rin ng Amihan

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 04:54 AM

Walang namamataang sama ng panahon ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Sa 4am update ng weather bureau, tanging hanging Amihan lamang ang makakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Dahil sa Amihan, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan ang Luzon, kabilang na ang Metro Manila at ang buong Visayas.

Ang Mindanao naman ay makararanas ng maalisangang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Magiging malakas naman ang alon sa eastern sections ng Visayas kaya’t pinag-iingat ang mga mangingisda sa pagpalaot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.